𝗞𝗔𝗗𝗜𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗨𝗟𝗢, 𝗨𝗠𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚

Hatid ng umiiral na Kadiwa ng Pangulo ang murang mga produkto tulad ng prutas, gulay at iba pa sa bayan ng Manaoag.

Iba pang mga local MSMEs sa mga munisipalidad sa Pangasinan maging sa karatig probinsya ang nakibahagi sa naturang aktibidad.

Layon ng programang ito ng pamahalaan na matiyak ang matatag na suplay ng pagkain, maging ang ipinagbibiling produkto sa mas murang halaga.

Samantala, alinsunod dito, tiniyak ng LGU Manaoag ang suporta at tulong sa mga magsasaka ng bayan upang mas mapalawig pa ang agrikultura at matulungan ang mga ito pagdating sa kanilang kita. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments