𝗞𝗔𝗚𝗔𝗠𝗜𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗦𝗔𝗞𝗔, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡

Ipinamahagi sa isang asosasyon ng magsasaka mula sa bayan ng Mangaldan ang ilang kagamitan pansaka na nagmula sa Department of Agriculture – Philippines Center for Postharvest Development and Mechanization (DA-PhilMech).

Kasunod ito ng pagkumpleto at pagpasa sa mga kinakailangang dokumento sa lokal na pamahalaan at balidasyon ng DA-PhilMech.

Tinanggap ng mga benepisyaryo ang four-wheel tractor na makatutulong sa kanilang pagsasaka.

Samantala, target naman sa lalawigan ng na mas matulungan at mapalago ang mga ani ng mga local farmers sa pamamagitan ng paglulunsad ng iba’t ibang programang laan para sa mga ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments