Kagutuman, food at nutrition insecurity ang isa sa prayoridad at binigyang diin ng National Nutrition Council Region 1 bilang isa pa rin ang ito sa pinoproblema ng mga Pilipino pagdating sa usaping pangkalusugan.
Ayon kay OIC National Program Coordinator ng NNC R1, Kendall Pilgrim Gatan, nakaalarma pa rin ang kaso ng malnutrition sa bansa at kahit pa malaking porsyento ng mga Pilipino ang may kaalaman pagdating sa tamang pangangalaga sa katawan at kalusugan.
Isa ang obesity at overweight sa klase ng malnutrition na pinoproblema ng mga Pilipino kasama na rin dito ang stunted growth o pagkabansot lalo na ng mga kabataan.
Isa din sa binigyan diin ni Gatan ang kaugnayan ng stunted growth sa cognitive development ng isang bata kung kayaβt mahalaga na nabibigyan ng tamang pagkain at bitamina ang mga ito.
Samantala, ipinaliwanag rin ng NNC ang kanilang kaugnayan sa lahat ng health agencies sa ilalim ng sektor ng kalusugan at umaasang maging isang commission upang mas mapalawak pa ang kanilang kakayahan na maiparating sa publiko ang kahalagahan ng kaalaman sa nutrisyon. |πππ’π£ππ¬π¨