𝗞𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗥𝗘𝗔𝗦𝗧𝗙𝗘𝗘𝗗𝗜𝗡𝗚, 𝗕𝗜𝗡𝗜𝗚𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗜𝗜𝗡

Kasabay ng pagdiriwang ng breastfeeding month, binigyang diin ng Department of Health Region 1 ang pagpapasuso ng ina sa kaniyang sanggol.

Ayon kay Lactation Counselor Princess Syra Ignacio, ang pagpapa breastfeed ay nakakapagbigay ng colostrum sa sanggol upang maabsorb ang mga allergy producing agents.

Sagana rin ang colostrum at gatas mula sa nanay ng antibodies na makatutulong sa immune ng batang edad 6 months old.

Makakatulong rin ang breast milk sa pagpapataas ng brain development at cognitive development ng baby.

Maaari rin umano nitong mabawasan ang risk sa acute infections tulad ng diarrhea, pneumonia, ear infection, at influenza habang maiiwasan naman ang chronic diseases sa mga bata tulad ng diabetes, high blood pressure at obesity.

Dahil dito, hinikayat ni Ignacio ang mga Ina na magpa breastfeed upang maibigay ang nararapat na nutrisyon sa sanggol. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments