𝗞𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗚𝗨𝗟𝗔𝗥 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚-𝗘𝗘𝗛𝗘𝗥𝗦𝗜𝗦𝗬𝗢, 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗞𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗜𝗪𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗜𝗔𝗕𝗘𝗧𝗘𝗦

Iginiit ng Department of Health-Center for Health Development Ilocos (DOH-CHD 1) ang kahalagahan ng regular na pag-eehersisyo ng isang indibidwal upang makaiwas sa diabetes kasabay ng paggunita sa Diabetes Awareness Week.

Ayon sa kagawaran, makatutulong ang pagkakaroon ng aktibong gawain o mga pisikal na aktibidad ang pangangatawan upang mapababa ang tsansa ng diabetes.

Kapag hindi umano nakapag-produce ng sapat na insulin ang katawan ay maaaring maipon ang glucose sa dugo at humantong sa high blood sugar levels at madevelop bilang diabetes kung ito ay napabayaan.

Maaari din na madamay nito ang iba pang mahahalagang parte ng katawan gaya ng puso, bato, mata, at paa. Payo ngayon ng kagawaran ang pagkakaroon ng masustansyang pangangalaga sa katawan, pag eehersisyo at pag monitor sa timbang. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments