Dahil sa kahilingan ng mga residente ng Barangay Pugaro sa lungsod ng Dagupan na patubig, isinakatuparan ng mga kapulisan ng lungsod.
Nabigyan ang nabanggit ng lugar ng isang gripo na siyang magagamit ng mga residente sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Naisakatuparan ang kahilingang ito matapos makipag-ugnayan ang kapulisan ng Dagupan City sa pangunguna ni PLTCol. Brendon Palisoc, ang hepe ng PNP Dagupan kung saan kanilang napag-alaman ang isa sa problema ng mga residente dito ang kawalan ng magagamit na gripo.
Napag-alaman pa na umiigib pa ang mga residente sa malayong lugar bagay na nagpapahirap sa kanila.
Ang proyektong ito nakapailalim sa programa ng kapulisan na Patubig ng Pulis na isang community engagement upang alamin ang pangangailangan ng mga residente.
Bukod sa proyektong ito, ilan pa sa mga programa at proyekto ng kapulisan ang patuloy na isinasagawa gay ana lamang ng libreng pabahay at community outreach programs at marami pang iba. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨