Kakulangan ng pasilidad o classrooms para sa mga Special Education (SPED) students ang isa sa idinadaing ng mga guro sa West Central Elementary School (WCES) sa Dagupan City.
Isa ang paaralan sa nag-aalok ng libreng edukasyon para sa special children kung kaya’t mahalaga umano na magkaroon ng sapat na pasilidad para sa mga ito.
Ayon kay WCES SPED teacher Doc. Leah Surot, may donasyon naman na karagdagang classroom ang natanggap ng paaralan mula sa lokal na pamahalaan ngunit hindi pa rin umano ito sapat dahil sa tumataas na bilang ng kanilang mga mag-aaral.
Bukod sa classroom, Isa rin sa malaking hamon sa mga guro ng SPED Students ay ang materyales sa pagtuturo at AID Teachers..
Ani Doc Surot, isinusulong din ng mga SPED teachers ang pagtuturo ng basic sign language sa mga regular students bilang pagpapataas ng kamalayan at inclusivity sa mga paaralan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨