Thursday, February 19, 2026

𝗞𝗔𝗞𝗨𝗟𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗢𝗚𝗜𝗦𝗧𝗜𝗖𝗦, 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗠𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗜𝗔𝗚𝗢 𝗖𝗜𝗧𝗬-𝗧𝗥𝗔𝗙𝗙𝗜𝗖 𝗘𝗡𝗙𝗢𝗥𝗖𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗨𝗡𝗜𝗧

Cauayan City – Kasabay ng kabi-kabilaang aksidente sa Lungsod ng Santiago, isa rin sa hamon para sa Santiago City – Traffic Enforcement Unit ay ang kakulangan sa logistics ng kanilang hanay.

Sa panayam ng IFM News Team kay Police Lieutenant Colonel Ricson Guiab, hepe ng Traffic Enforcement Unit Santiago City, sinabi nito na sa kasalukuyan ay mayroon lamang isang sasakyan na ginagamit sa kanilang police operations.

Aniya, isa ang kakulangan sa sasakyan sa hamon para sa kanila Lalo na sa mga pagkakataon na kaliangan nilang rumespunde sa ibang lugar.

Ayon kay PLTCOL Guiab, mayroon na silang request sa LGU Santiago City para sa karagdagang mobility. Ikinatutuwa naman nito na hindi umano nagkukulang ang pamahalaan ng Santiago sa pagbibigay ng suporta sa kanilang hanay.

Upang mas mapalakas at maging epektibo pa ang kanilang operasyon at paghahatid serbisyo, malaking tulong kung magkakaroon sila ng karagdagang sasakyan na magagamit ng mga police personnels ng Santiago City-TEU.
————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauaya

Facebook Comments