Problema ngayon ng ilang magsasaka sa bayan ng Mangaldan ang kakulangan ng patubig sa kanilang sakahan.
Bagamat may mga pag-uulan na sa hapon sa Pangasinan hindi ito sapat para sa mga tanim ng mga magsasaka sa bayan.
Ayon sa ilang magsasaka dito, karamihan sa mga itinanim na mga binhi ng magsasaka ay hindi umano tumubo.
Nasa halos kalahating porsyento rin ng sakahan ay tuyo na dahil sa kulang ang suplay na patubig mula sa irigasyon.
Dahil dito, nagpaalala ang Mangaldan Municipal Agriculture, dapat umanong sumunod ng mga magsasaka sa cropping calendar at sumabay sa schedule ng patubig sa irigasyon.
Bilang tulong ng lokal na pamahalaan sa mga magsasakang apektado nagpamahagi ito ng hybrid seeds na magagamit upang makabawi sa kanilang nawalang kita. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨