𝗞𝗔𝗞𝗨𝗟𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗕𝗜𝗚, 𝗦𝗔𝗡𝗛𝗜 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗕𝗔𝗡𝗦𝗢𝗧 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗡𝗜𝗠 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗔𝗢

Problemado ngayon ang ilang magsasaka sa Brgy. Ambuetel sa bayan ng Calasiao dahil sa pagkabansot ng kanilang mga pananim.

Ayon sa mga magsasaka sa lugar, dahil umano ito sa kakulangan ng patubig sa kanilang mga pananim. Ni hindi nila tiyak kung masosolusyunan ito ng pag uulan o pataba upang mas mapakinabangan.

Ang Provincial Agriculture Office ay nagsasagawa na ng pagsusuri sa mga taniman sa lalawigan upang mabigyan ng angkop na tulong sa kanilang mga pananim.

Sinabi naman ng Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG, maraming magsasaka ang hindi pa nakakapagtanim dahil hinihintay ang desisyon sa pagbaba ng taripa sa bigas na nakakaapekto sa presyo ng bigas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments