Nilinaw ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 1 na walang magiging kakulangan sa suplay ng bangus ngayong Holiday Season.
Nanindigan ang Samahang Magbabangus sa Pangasinan (SaMaPa) na nananatiling matatag ang suplay ng bangus sa merkado.
Anila, hindi umano tumigil ang kooperatiba sa pagsusuplay ng bangus partikular sa Magsaysay Fish Market na pinakapangunahing bentahan nito.
Kinumpirma rin ng ilang bangus harvesters na bagamat magkakasunod-sunod na bagyo ang naranasan sa lalawigan nitong nakaraang buwan, ay hindi lubusang naapektuhan ang produksyon ng bangus.
Sa kasalukuyan, naglalaro sa P150 hanggang P160 ang standard price ng produkto, habang ang iba pang presyuhan nito ay dumedepende sa laking bibilhin ng mga consumer.
Samantala, nararanasan sa ngayon ang tumal ng bentahan ng bangus ayon sa mga vendors bagamat inaasahang lalakas ito ilang araw bago ang Pasko. |πππ’π£ππ¬π¨