Dapat umanong tutukan ng mga naluklok na lider ng bansa ang kapakanan ng mga mahihirap na pilipino ngayong Kapaskuhan.
Ito ay tila nakakalimutan na umano ng ilang lider ang kanilang ipinangakong pag-aangat sa estado ng buhay ng bawat Pilipino gayong mas inuuna pa ang personal at politikal na hidwaan.
Ayon sa ilang Pangasinense na nakapanayam ng IFM News Dagupan, marami umanong kinakaharap ang Pilipinas partikular ang mga naghihirap na mamamayan na dapat pagtuunan ng gobyerno.
Samantala, ang ilan nagpahayag na walang pakialam sa hindi pagkakaunawaan ng mga opisyal ng gobyerno.
Kaugnay nito, dapat umano madama ng mga mamamayan ang tunay na diwa ng kapaskuhan sa pangunguna ng mga lider upang maibsan ang nararanasang kahirapan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments