𝗞𝗔𝗟𝗔𝗛𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗦𝗧𝗢𝗥, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗟𝗨𝗧𝗔𝗡𝗚-𝗟𝗨𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗔𝗧

Kalahating katawan na lamang ng isang pastor ang natagpuang palutang-lutang ng Bantay Dagat sa Sitio Pao, Brgy. Ilio-Ilio, Burgos, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Eduardo Natividad Guille, residente ng Brgy. Seselangen, Sual.

Ayon sa pamilya ng biktima, maganda ang reputasyon ng kanilang ama bilang pastor kaya hindi akalain ang sinapit ng biktima.

Ayon kay Burgos Deputy Chief of Police PLT Regi Fernandez, unang beses na naitala sa bayan ang ganitong uri ng insidente.

Nakatakda rin na isagawa ang autopsy report sa katawan ng biktima bago ito ilibing bukas.

Panawagan ni Fernandez sa publiko na agad na makipag-ugnayan sa kanilang himpilan sa mga posibleng krimen sa bayan ng Burgos. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments