𝗞𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗔𝗚𝗥𝗔𝗠𝗕𝗢𝗟 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗠𝗔𝗚𝗞𝗔𝗦𝗨𝗡𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗡𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗩𝗜𝗗𝗘𝗢𝗞𝗘

Nauwi sa gulo ang pag-iinuman ng dalawang grupo ng kalalakihan customer sa isang karinderya sa Manaoag, Pangasinan.

Kinilala ang mga suspek na sina Rogelio Riloza at Collin Dizon pawang residente sa naturang bayan.

Tinuturong dahilan ang hindi pagkakasundo sa kanta sa videoke kaya kinompronta ng biktima na si Rex Montemayor ang dalawang suspek.

Dahil sa kalasingan, sinasaksak ni Riloza ang biktima gamit ang basag na bote habang binubugbog naman ito ni Dizon.

Nagtamo ng head injury ang suspek na si Dizon matapos itong bawian ni Montemayor ng suntok.

Kasalukuyang nagpapagaling ang mga sugatan sa rambulan sa hospital.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments