𝗞𝗔𝗟𝗔𝗬𝗔𝗔𝗡 𝗝𝗢𝗕 𝗙𝗔𝗜𝗥𝗦, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗞𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗟𝗘 𝗦𝗔 𝗜𝗕𝗔’𝗧-𝗜𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗜𝗚 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡

Nakatakdang magsagawa ng Job Fair ang tanggapan ng Department of Labor and Employment Regional Office 1 sa iba’t-ibang lalawigan ng Ilocos Region kasabay ng paggunita sa ika- 126th deklarasyon ng kalayaan ng bansa.

Inanunsyo na rin ng tanggapan kung saan mga lokasyon gaganapin ang aktibidad. Sa Pangasinan, nakatakda itong isagawa sa dalawang mall na matatagpuan sa Calasiao at Rosales.

Inilabas na rin ng tanggapan ang listahan ng mga trabaho na maaaring matipuhan ng mga job seekers kabilang ang mga kompanyang makikiisa, bilang ng kailangan sa isang posisyon at kung saan ang delegasyon ng mga trabahong available.

Paalala ng DOLE na mainam na ihanda na ang revised resumes at dalhin pati na rin ang iba pang application requirements. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments