𝗞𝗔𝗟𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗜 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗦𝗔 𝗨𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗜𝗦𝗧𝗥𝗜𝗧𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗕𝗜𝗡𝗜𝗚𝗬𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗡𝗦𝗜𝗡

Binibigyang pansin ngayon ng ang mga asosasyon ng magsasaka sa distrito uno ukol sa pagkakaroon ng maganda at maayos na kalidad ng ani sa kanilang mga lupang sinasaka.

Nito lamang ay nagsagawa ng signing of Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) at mga asosasyon ng mga magsasaka sa unang distrito ng probinsya.

Naglalayon ang naturang programa na mapalakas pa ang mga magsasaka sa probinsya lalo na pagdating sa kalidad ng kanilang mga inaani sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga farm machineries and equipment sa mga farmers association gamit ang Rice Competitiveness Enhancement Fund.

Ang programa rin na ito siguradong makapagbibigay ng tulong sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga nasa sektor pagsasaka. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments