Tiniyak ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) Region 1 ang magandang kalidad ng mga palay seeds na ibinibigay sa mga magsasaka sa Ilocos Region.
Kasunod ito kanilang paninindigan sa pagtugon sa agam agam ng ilang mga rice farmers ukol sa kalidad ng mga ibinibigay na binhi.
Payo ng ahensya sa mga magsasaka ang ilang mga hakbangin upang tiyak ang pagtubo ng mga binhi tulad ng pagtatakip laban sa ulan at pag sigurong nasa tuyong lugar upang hindi maapektuhan ang mga palay seeds.
Samantala, kabilang din sa ibinahagi ng PhilRice sa mga magsasaka ang wastong paghahanda sa mga lupang pagtatamnan ng mga magsasaka. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments