Mas pinaigting pa ang pagbibigay ng serbisyong medikal sa labing apat na government-run hospitals sa Pangasinan.
Matatandaan na nauna nang naturnover ang ilang mga makabagong kagamitang pangmedikal sa mga pampublikong ospital sa lalawigan tulad ng ultrasounds, computed tomography (CT) scan, magnetic resonance imaging (MRI) at X-Ray machines upang mas maging epektibo ang pagbigay ng serbisyong pangkalusugan sa mga pasyente.
Inaasahan pa ang target na pagpapatayo ng haemodialysis centers sa lahat ng district hospitals sa lalawigan na bahagi ng adhikain ng kasalukuyang administrasyon.
Samantala, pagtitiyak ng Pamahalaang Panlalawigan na mas paiigtingin pa ang kapasidad ng probinsya pagdating sa health sector upang masiguro ang kapakanan ng mga Pangasinense. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨