Tinututukan ngayon ng lokal na Pamahalaan ng Alaminos City ang pagpapataas sa kalidad ng serbisyo ng mga bangkero matapos isagawa ang Isang oryentasyon sa mga ito.
Dinaluhan ang nasabing oryentasyon ng Motorboat Operators at Boatmen Association ng lungsod.
Layunin nito na mabigyan sila ng gabay sa mga polisiyang nakapaloob sa usaping turismo lalo na sila ang nagdadala sa mga local at foreign tourist sa mga isla ng Hundred Islands National Park.
Patuloy naman ang panghihikayat ng lokal na pamahalaan sa mga ito sa patuloy na partisipasyon upang mapalago pa ang turismo sa lungsod.
Samantala, tiniyak ang patuloy na suporta ng lungsod sa mga bangkero lalo na sa mga suliranin na may kinalaman sa kalagayang turismo ng Alaminos City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments