𝗞𝗔𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗢𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢𝗡 𝗨𝗡𝗢, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗧𝗜𝗬𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗔𝗪𝗧𝗢𝗥𝗜𝗗𝗔𝗗

Pinatitiyak ng awtoridad ang kaligtasan ng mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan kasunod ng naganap na shooting incident na kailan lang ay naging malaking usap usapan.
Sa naganap na regular session sa Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan, iminungkahi ng isang board member ang kaugnay sa pagsiguro ng kaligtasan sa mga minamanehong pampublikong sasakyan upang makaiwas sa anumang hindi inaasahang pangyayari sa kasagsagan ng byahe.
Inihayag naman ng lider ng isang transport group sa buong Region 1 na functional naman daw ang mga CCTVs partikular sa mga modernized jeepneys.

Kabuuang limang CCTVs sa loob ng mga sasakyan ang nagsisilbi umanong monitor upang mabantayan ang mga labas pasok ng mga pasahero.
Samantala, dagdag pa ng opisyal mula sa SP ang pagsecure sa mga footages na maaaring magamit o mahingi ng kinauukulan kung mangyaring kakailanganin ang mga ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments