Sinisiguro umano ng Bureau of Jail Management and Penology – Dagupan City Jail-Female Dormitory na malinis, maayos, at kalidad ang mga produktong gawa ng mga Person Deprived of Liberty o PDL tulad ng gauze balls na siyang ginagamit sa pagda-dialysis.
Ayon sa tanggapan, sinisiguro nila ang kalinisan ng kanilang PDLs tulad ng paghuhugas ng kamay at paggamit ng alcohol bago gumawa ng naturang produkto upang masigurong malinis ito lalo at madalas na gamitin sa mga ospital ang gauze balls.
Sinisiguro rin na malinis ang buong pasilidad kung saan ginagawa ang mga produkto.
Maganda rin umano itong oportunidad para sa mga PDL sapagkat magkakaroon din sila ng mapagkakakitaan habang pansamantala silang nananatili sa dormitoryo.
Samantala, isa lamang ang paggawa ng gauze balls sa iba’t-iba pang livelihood programs ng BJMP laan para sa mga PDLs kung hindi may arts & crafts rin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨