𝗞𝗔𝗟𝗦𝗔𝗗𝗔 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗞𝗢𝗞𝗢𝗡𝗘𝗞𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗕𝗔𝗟𝗢𝗚𝗢 𝗔𝗧 𝗕𝗔𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗡𝗠𝗔𝗟𝗘𝗬, 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗞𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗔

Binuksan na ang kalsada na nagkokonekta sa barangay Balogo at Basing sa bayan ng Binmaley.

Ang nasabing kalsada ay dekada o matagal na umanong problema ng mga motorista at residente roon lalo tuwing sasapit ang tag-ulan dahil sa pagtaas ng baha.

Dahil dito, agad na sinimulan ang konstruksyon ng daan upang maiwasan ang pagbaha na nakakaapekto sa ilang residente.

Sa ngayon, light vehicles na muna gaya ng motorsiklo at tricycle ang pinapayagang dumaan dito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments