𝗞𝗔𝗟𝗦𝗔𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗔𝗢, 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗦𝗕𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗔

Binasbasan na, kamakailan ang isang kalsada na sakop ng Brgy. Bued sa bayan ng Calasiao, matapos hilingin ng mga awtoridad dahil sa sunod-sunod na aksidenteng naitala sa nasabing kalsada.

Sa buwan ng Mayo, pumalo ng hanggang sampung aksidente ang naganap sa nasabing kalsada. Diumano, ang national highway kasi ay mayroong apat na linya, kung saan parang nagkakarerahan umano ang mga napapadaan dito.

Ayon pa sa datos, hindi na bababa sa apat na katao ang nasawi dahil sa mga kinasangkutang aksidente roon simula pa noong buwan ng Abril.

Samantala, puspusan pa rin ang preventive measures na isinasagawa ng awtoridad, tulad ng pagkakabit ng signages upang masiguro ang kaligtasan ng mga motorist roon.

Sa kabilang banda, ibayong pag-iingat din ang bilin ng mga awtoridad sa mga motorista, lalo na’t madalas masangkot ang truck gayundin ang mga motorsiklo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments