Magsisimula na ngayong araw ika-15 ng Enero taong kasalukuyan ang isa sa pinamakalaking serbisyong pangkalusugan na handog sa mga Pangasinense.
Gaganapin ang Grand Medical Mission na ito sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park, Barangay Bani, Bayambang, at isang pwesto naman sa Pangasinan Provincial Hospital, Bolingit na matatagpuan sa San Carlos City.
Magtatagal ang misyong ito hanggang ika-19 ng Enero.
Handog ng misyong ito ang iba’t ibang mga serbisyo major man o minor surgery ay maaaring ma-avail ng sinumang magtutungo sa mga lugar na pagdarausan ng aktibidad.
Pangungunahan ang aktibidad na ito ng Philippine Medical Society of Northern California katuwang ang Probinsya ng Pangasinan, Pangasinan Provincial Health Office, LGU Bayambang at marami pang iba.
Hinihikayat ang bawat Pangasinense na magtungo sa medical mission na ito para sa kalusugan ng bawat isa at makukuha lamang ang mga serbisyong ito ng libre. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨