Monday, February 23, 2026

β€Žπ—žπ—”π— π—”π—§π—œπ—¦ 𝗦𝗔 π—‘π—¨π—˜π—©π—” π—©π—œπ—­π—–π—”π—¬π—”, π—•π—”π—šπ—¦π—”π—ž 𝗣π—₯π—˜π—¦π—¬π—’; π— π—šπ—” π—”π—‘π—œ, π—§π—œπ—‘π—”π—£π—’π—‘ 𝗦𝗔 π—šπ—œπ—Ÿπ—œπ—— π—‘π—š π—žπ—”π—Ÿπ—¦π—”π——π—”

β€Ž
β€ŽCauayan City – Muling napilitan ang ilang magsasaka sa Nueva Vizcaya na itapon ang kanilang ani ng kamatis bunsod ng patuloy na pagbagsak ng presyo at kakulangan ng bumibili.
β€Ž
β€ŽSa Barangay Bonfal East sa Bayombong, agad na dinagsa ng mga residente ang mga kamatis na itinambak sa gilid ng by-pass road, at nag-uwi ng maramihan dahil sariwa pa at maayos ang kalidad ng mga ito.
β€Ž
β€ŽPaliwanag ni Julio Basilan, Production Sales and Marketing Officer ng Nueva Vizcaya Agricultural Terminal (NVAT) na hindi na bago sa kanila ang ganitong sitwasyon at naipabatid na ito sa Department of Agriculture Regional Office.
β€Ž
β€ŽAniya, hindi naman sumobra ang produksyon ngunit nabawasan ang demand mula sa mga trader na karaniwang kumukuha ng ani sa lalawigan at kasabay din ng anihan sa Nueva Vizcaya ang produksyon sa Ilocos, Pangasinan, Nueva Ecija at iba pang lugar sa Central Luzon, kaya bumaba ang presyo sa merkado.
β€Ž
β€ŽDagdag pa rito, mas tinatangkilik ng mga mamimili ang malalaki at bahagyang hinog na kamatis, samantalang mas maliliit ang karamihang ani sa probinsiya.
β€Ž
β€ŽSa tala ng NVAT, nasa β‚±10 hanggang β‚±12 kada kilo ang malalaking kamatis at β‚±8 hanggang β‚±10 ang katamtamang laki sa wholesale trading.
β€Ž
β€ŽUmaasa ang mga opisyal na makatutulong ang Kadiwa program at pakikipag-ugnayan sa mga NGO sa barter trade upang mabawasan ang pagkalugi ng mga magsasaka.
β€Ž
β€ŽSource: DWRV
β€ŽPhoto: Alma Daang at Rhemz Aricheta

————————————–

β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan
β€Ž

Facebook Comments