𝗞𝗔𝗠𝗣𝗔𝗡𝗬𝗔 𝗞𝗢𝗡𝗧𝗥𝗔 𝗗𝗘𝗡𝗚𝗨𝗘 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗨𝗧𝗜𝗦𝗧𝗔, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚

Sinuyod ng kawani ng Rural Health Office ng Bautista ang mga paaralang sakop nito upang magsagawa ng information, education and communication campaign patungkol sa dengue.

Dinaluhan ng mga mag-aaral , magulang at mga guro ang naturang limang araw na aktibidad kung saan tinalakay ang sintomas, medical intervention sa suspected dengue case at paraan na maiwasan ang dengue.

Kasabay ng information campaign, nagpapatuloy ang isimasagawang misting operation sa mga paaralan upang mapangalagaan ang publiko sa banta ng anomang outbreak.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments