Matapos na makamit ng Manaoag ang 100% drug cleared municipality, inihayag ng lokal na Pamahalaan na mas paiigtingin pa nito ang kampanya kontra illegal na droga.
Sa ekslusibong panayam ng IFM Dagupan kay Manaoag Mayor Jeremy Rosario, Isang malaking tagumpay ang makamit ng bayan dahil ang illegal na droga ay malaking suliranin ng bansa.
Pumalo umano sa halos trenta ang mga naging drug surrenderees ng bayan mula sa iba’t ibang barangay.
Ani Rosario, ang Balay Silangan na nakatayo sa Manaoag, ay malaking tulong upang mabigyan ng pagkakataon ang mga ito na magbagong buhay.
Sa ngayon, ilang bayan sa Pangasinan ang nakipag ugnayan sa kanila upang masugpo rin ang presensya ng droga sa kanilang lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments