𝗞𝗔𝗠𝗣𝗔𝗡𝗬𝗔 𝗞𝗢𝗡𝗧𝗥𝗔 𝗜𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚

Mas pinaigting ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Pangasinan ang kampanya kontra illegal na droga sa probinsya matapos ipahayag ni PBBM sa kaniyang katatapos na SONA ang mga nagawang hakbang upang mapigilang pagkalat nito.

Ayon kay PDEA Agent Jean Botes, nagpapatuloy ang mga drug symposium sa mga LGUs, maging sa mga BJMP facilities at iba pa.

Dagdag pa nito, patuloy ang kanilang koordinasyon sa mga LGUs sa lalawigan na magkaroon ng Balay Silangan upang matulungan ang mga nais magbagong buhay. Sa kasalukuyan, mayroon ng 14 na reformation center nito sa Pangasinan na nakakatulong sa mga drug offenders upang bumalik sa kanilang dating pamumuhay.

Hinigpitan din ang pagpapatrolya ng hanay ng kapulisan at PDEA, sa western part ng lalawigan, kung saan nasabat kamakailan ang mga lumulutang na droga.

Sa ngayon, mayroon ng 93.65% o katumbas ng 1,184 na barangays a g drug cleared at 88 na lang ang sumasailalim sa proseso ng pagiging drug-cleared.

Amg Sto. Tomas naman ay nanatiling drug free ayon sa PDEA. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments