𝗞𝗔𝗠𝗣𝗔𝗡𝗬𝗔 𝗞𝗢𝗡𝗧𝗥𝗔 𝗞𝗔𝗥𝗔𝗛𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗧𝗔, 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗨𝗡𝗦𝗔𝗗

CAUAYAN CITY – Inilunsad ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan ang kampanya laban sa karahasan sa mga bata sa buong Rehiyon Dos.

Kaugnay nito ay ang pakikiisa ng kagawaran sa pagdiriwang ng National Children’s Month na may temang “Break the Prevalence, End the Violence: Protecting Children, Creating Safe Philippines”.

Pinagtibay ng United Nation’s Convention on the Rights of the Child ang nasabing pagdiriwang kung saan nakasaad ang iba’t-ibang klase ng karahasan gaya ng physical abuse, neglect o negligentt treatment, maltreatment, exploitation, at sexual abuse.


Bilang pagpapakita ng suporta sa kampanya, lumagda sa isang pledge of commitment ang mga lumahok sa naturang pagdiriwang.

Facebook Comments