Monday, January 19, 2026

𝗞𝗔𝗠𝗣𝗔𝗡𝗬𝗔 𝗞𝗢𝗡𝗧𝗥𝗔 𝗪𝗢𝗥𝗠 𝗜𝗡𝗙𝗘𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡𝗦, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗨𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗣𝗛𝗢-𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡

‎Cauayan City – Nanawagan ang Provincial Health Office (PHO) ng Cagayan sa publiko katuwang ang Department of Health (DOH), na makiisa sa National Deworming Month ngayong Enero upang maiwasan ang mga worm infections lalo na sa mga bata.

‎Isinusulong sa kampanya ang “Let’s Do the W.O.R.M.S.” na binibigyang-diin ang wastong paghuhugas ng kamay, tamang paggamit ng palikuran, pag-iwas sa maruming pagkain at tubig, regular na deworming, at pagsusuot ng tsinelas o sapatos.

‎Ayon sa PHO, ang pagkakaroon ng bulate sa bituka o Soil-Transmitted Helminthiasis ay maaaring magdulot ng anemia, malnutrisyon, panghihina, at stunting kung hindi maagapan sa pamamagitan ng tamang kalinisan at nutrisyon.

‎Tiniyak naman ng ahensya na may sapat na suplay ng deworming medicines sa 31 Rural Health Units sa Cagayan, kasabay ng pagpapatupad ng community-based at school-based deworming para sa mga batang edad isang taon hanggang labingsiyam na taon.

————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments