π—žπ—”π— π—£π—”π—‘π—¬π—” π—Ÿπ—”π—•π—”π—‘ 𝗦𝗔 π—Ÿπ—’π—’π—¦π—˜ π—™π—œπ—₯π—˜π—”π—₯𝗠𝗦, π—§π—œπ—‘π—¨π—§π—¨π—§π—¨π—žπ—”π—‘ π—‘π—š π—£π—”π—‘π—š 𝗣𝗣𝗒

Tuloy-tuloy ang ginagawang paghahanda ng Pangasinan Police Provincial Office sa paparating na eleksyon sa susunod na taon.

Mahigpit na tinutukan ngayon ng pulisya sa probinsiya ang kampanya kontra loose firearms o hindi lisensyadong baril.

Ayon kay PNP Provincial Director Police Col. Rollyfer Capoquian kadalasan na sangkot ang mga nagmamay-ari ng mga hindi lisensyadong armas sa iba’t ibang klase ng krimen.

Makatutulong rin ang patuloy na pagsulong ng kampanyan ito sa pag-iwas na magkaroon ng mga armadong grupo at mangangahas o magbabalak na gumawa ng mga krimen.

Hinihikayat ni Capoquian ang publiko na makipagtulungan upang mahuli ang mga nagmamay-ari ng mga hindi lisensyadong armas. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments