Tuloy-tuloy na ang kampanya ng Bureau of Fire Protection sa kanilang programang “Oplan Paalala Iwas Paputok” sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa Lingayen, nag-ikot ang kawani ng ahensya sa mga barangay upang ipaalala sa publiko ang kahalagahan ng fire safety awareness at responsableng paggamit ng firecrackers sa Pasko at pagsalubong sa Bagong taon.
Nagpaalala rin ang mga ito sa paggamit ng ipinagbabawal na boga na kung saan lubhang mapanganib sa publiko. Patuloy naman ang panghihikayat ng mga ito na mainam nang gumamit ng alternnatibong pampaingay tulad ng torotot. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments