Patuloy pa rin ang kampanya sa Food sustainability and accessibility sa lungsod ng Dagupan lalo sa mga urban communities at bawat barangay.
Nito lamang ay magkakasang pinalalago ng mga brgy. council, City Agriculture Office, at iba pang kawani sa bahagi Bonuan Boquig ang mga gulay na maaaring mapakinabangan ng mga residente.
Ipinamahagi sa mga kababaihang buntis ang mga naharvest na gulay na kangkong at pechay mula sa tinanimang Urban Community Garden.
Dito rin nagmula ang mga gulay na inihahanda sa ibang programa ng LGU tulad ng Goodbye Gutom feeding project na may layong wakasan ang malnutrisyon at maisakatuparan ang seguridad sa pagkain at ma-ipromote ang sustainable agriculture sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments