𝗞𝗔𝗣𝗔𝗞𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗘Ñ𝗢, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗨𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚

Patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang kapakanan ng mga batang Dagupeño sa pamamagitan ng mga nagpapatuloy ng programang laan para sa mga ito.
Saklaw ng mga programa ang nagtataguyod sa pamamahagi ng school supplies at hygiene kits sa ilalim ng AMBAG.
Kabilang din ang programang ‘You’re the Apple of my Eye” sa pamamahagi ng mga masusustansyang pagkain at prutas.

Hindi lamang para sa mga bata, maging iba pang residente ang benepisyaryo ng programang Goodbye Gutom o ang Zero Hunger na may layong mawakasan ang problemang kagutuman at malnutrition.
Samantala, posible naman ang mga paglulunsad ng proyekto kasunod na rin ng naaprubahang badyet ng lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments