𝗞𝗔𝗣𝗜𝗦𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗜𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗢 𝗥𝗢𝗦𝗔𝗥𝗜𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗗𝗜𝗪𝗔𝗡𝗚

Hindi nagpatinag ang mga deboto ng Our Lady of the Rosary of Manaoag sa araw ng kapiyestahan nito kahapon.

Daan-daang deboto ang nag-abang at sumalubong kay “Apo Baket” sa paglabas nito sa isinagawang prusisyon sa palibot ng Manaoag.

Sa panayam ng iFM News Dagupan kay Rosana Aquino na mula pa sa bayan Bayambang, matagal na aniya siyang deboto ng Mahal na Birhen ng Manaoag kung saan naging kaugalian na ang pagbisita tuwing kapistahan at dalangin niya maiwasan ang kaguluhan at magkaroon ng kaayusan ang bansang Pilipinas.

Ayon naman sa debotong si Cristina Aliba na mula Baguio City, hindi aniya hadlang ang ilang oras na byahe upang puntahan ang Inang Birhen ng Manaoag upang manalangin para sa maayos na kalusugan ng kaniyang pamilya.

Kalusugan, proteksyon at kaligtasan ang naging sentro at pangunahing panalangin ng mga turista at deboto sa pag-asang gagabayan umano sila ng Inang birhen ng Manaoag sa araw-araw.

Matatandaan na naging makasaysayan ang pagdedeklara bilang Basilica ng naturang simbahan noong 2015. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments