𝗞𝗔𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗚𝗨𝗥𝗜𝗗𝗔𝗗

CAUAYAN CITY – Matapos ang Pasko at Bagong Taon, mas pinaigting ng kapulisan ng Isabela ang pagbabantay at seguridad upang masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan, lalo na sa muling pagbabalik ng mga bakasyonista.

Ayon kay PCol. Lee Allen Bauding ng Isabela Police Provincial Office, mahalaga ang pakikipagtulungan ng mga ahensya sa pagpapatupad ng mga regulasyon, kabilang ang mahigpit na pagbabantay sa mga kalsada laban sa mga lasing na nagmamaneho, gumagamit ng bawal na gamot, at mga lumalabag sa batas-trapiko.

Naglagay rin ng mga pulis sa transport 00z hubs, pampublikong pamilihan, at iba pang matataong lugar upang mapanatili ang kaayusan at maagapan ang anumang banta sa seguridad.


Dagdag pa rito, pinaigting din ang mga anti-criminality checkpoint sa mga pangunahing lansangan ng lalawigan.

Samantala, hinihikayat ni PCol. Bauding ang publiko na maging mapagmatyag at agad iulat ang anumang kahina-hinalang kilos o aktibidad upang masiguro ang kaligtasan ng lahat.

Facebook Comments