𝗞𝗔𝗥𝗔𝗚𝗗𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗟𝗨𝗠𝗕𝗔𝗥𝗜𝗨𝗠 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗬𝗔𝗔𝗡

Pinasinayaan ng lokal na pamahalaan ng Lingayen ang bagong municipal columbarium sa Brgy. Maniboc ilang araw bago sumapit ang paggunita sa Undas 2024.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ang naturang imprastraktura ay solusyon sa lumiliit na espasyo na maaring paglibingan sa mga yumaong residente sa pampublikong sementeryo ng bayan at magamit ng wasto ang mga bakanteng lupa sa Lingayen.

Matapos pasinayaan, maari nang mapakinabangan ang columbarium at mga kaukulang serbisyo nito batay sa mga regulasyon na ilalabas ng Municipal Treasury Office ng bayan.

Malaking bagay rin umano ito para mabigyan ng disenteng lugar sa mga yumaong mahal sa buhay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments