𝗞𝗔𝗥𝗔𝗚𝗗𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗚𝗨𝗦𝗔𝗟𝗜 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗙𝗥𝗔𝗡𝗖𝗜𝗦𝗖𝗢 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗖 𝗖𝗘𝗠𝗘𝗧𝗘𝗥𝗬, 𝗣𝗨𝗦𝗣𝗨𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗨𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡!

CAUAYAN CITY- Kasalukuyan ang konstruksyon ng karagdagang gusali ng San Francisco Public Cemetery sa Lungsod ng Cauayan.

Sa panayam ng IFM News Team kay Direct Supervisor ng San Francisco Public Cemetery Asley Palos, buwan ng Hulyo nang simulan ang konstruksyon nito.

Aniya, kapag natapos ang proyektong ito ay magkakaroon ng karagdagang higit dalawang daang butas na maaaring paglibingan ng mga yumaong mahal sa buhay.


Ayon naman kay Bernie Barayuga, utility ng nasabing sementeryo, sa kasalukuyan ay nasa mahigit tatlumpo na lamang ang available na maaaring paglibingan sa nasabing sementeryo.

Dagdag pa nito, nasa dalawang libo na ang kasalukuyang nakahimlay sa nasabing sementeryo kung saan bawat Linggo ay may inililibing rito.

Facebook Comments