Hiling ng namumunong kongresista sa ikalawang distrito ng Pangasinan ang karagdagang headquarters o punong-tanggapan sa kahabaan ng isa sa pamosong baybayin sa lalawigan – ang Lingayen Beach.
Nakipag-ugnayan ang kongresista sa tanggapan ng Philippine Coast Guard o PCG upang talakayin ang mga inihaing agenda sa kaugnay na usapin.
Layon nitong umantabay sa kaligtasan sa bisinidad ng naturang baybayin maging pagtutok sa seguridad para sa mga lokal na mangingisda ng bayan.
Samantala, sa bayan pa rin ng Lingayen, nanawagan ang kongresista sa naganap na session sa kongreso nito lamang ika-7 ng Mayo ng House Inquiry dahilan ang pagpapahinto umano ng konstruksiyon ng flood control project sa kahabaan ng bayan na may layon sanang matugunan ang pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng Lingayen. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨