Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Asingan sa agarang pagsasaayos ng daloy ng tubig sa bayan sakaling makaranas ng pagbaha sa mga low-lying areas.
Sa ginanap na pulong ng iba’t-ibang tanggapan ng gobyerno sa bayan, inihayag na may nakalaang backhoe na maaring gamitin sa pagsasaayos ng daloy ng tubig at maiwasan ang pagbaha.
Kasama rin sa pagpupulong ang mga punong barangay upang makibahagi sa talakayan ng mga problema at solusyon na kinakaharap sa kanilang nasasakupan.
Samantala, nauna nang inihayag ng MDRRMO na activated na ang emergency operations center nito para sa pagtutok sa magiging epekto ng Bagyong Enteng sa Asingan.
Hinihikayat naman ng lokal na pamahalaan na maging alerto at handa sa banta ng sama ng panahon sa kanilang lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨