𝗞𝗔𝗥𝗔𝗚𝗗𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗕𝗜𝗡𝗚 𝗪𝗔𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗗𝗘𝗥𝗡𝗜𝗭𝗘𝗗 𝗝𝗘𝗘𝗣𝗡𝗘𝗬, 𝗕𝗜𝗕𝗜𝗬𝗔𝗛𝗘 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡

Bibiyahe ang karagdagang 18 modernized jeep sa lungsod ng Dagupan matapos itong pasinayaan kahapon na pinangunahan ng Land Transportation Office.

Ang mga jeep ay may rutang Dagupan City-Mapandan via Mangaldan;Manaoag-Mapandan-San Jose; at Manaoag – Urdaneta.

Ang paglulunsad ng karagdagang modernized jeepney at parte pa rin ng programa ng pamahalaan sa pagsusulong ng PUV modernization para sa kaligtasan ng mananakay.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa na ng validation ang kooperatiba ng PUVs sa Dagupan City sa mga driver at operator na makikinabang dito.|𝙄𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments