𝗞𝗔𝗥𝗔𝗚𝗗𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗧𝗥𝗘𝗘𝗧𝗟𝗜𝗚𝗛𝗧𝗦, 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗪𝗔𝗚𝗔𝗡 𝗨𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗕𝗔𝗪𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗩𝗘𝗛𝗜𝗖𝗨𝗟𝗔𝗥 𝗔𝗖𝗖𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗦 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗚𝗔𝗟𝗟𝗢𝗡

Upang mapababa ang bilang ng vehicular accidents sa Bugallon, nanawagan ang Bugallon Police Station ng karagdagang street lights sa kakalsadahan para sa mga motorista at residente.

Ayon sa hepe ng Bugallon PS PMAJ. Arturo Melchor Jr., sana umano ay maayos ang sirang street lights at madagdagan upang maiwasan ang aksidente sa kakalsadahan sa bayan.

Pinaigting din ng pulisya sa bayan ang pagpapatupad ng paggamit ng mga visibility material tulad ng reflectorized vest para na rin sa kaligtasan ng mga riders.

Maliban dito,nagpapatuloy rin ang kampanya ng kapulisan sa bayan kontra illegal na droga. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments