𝗞𝗔𝗥𝗔𝗚𝗗𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗣𝗘𝗥 𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛 𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗞𝗦𝗔𝗡

Binuksan na sa publiko ang Super Health Center sa Brgy. Cayanga, San Fabian na inaasahang magpapataas ng antas ng kalusugan ng mga mamamayan.

Ilan sa mga serbisyong maaring makuha ng publiko sa isang super health center ay kinabibilangan ng maternal, dental, laboratory services maging ang Konsulta Program ng DOH.

Dinaluhan ni Chairperson of the Senate Committee on Health and Democracy Senator Christopher Go ang pagpapasinaya sa naturang pasilidad.

Aniya, ang naturang tanggapan ay magsisilbing paraan upang mabawasan ang congestion rate sa mga pampublikong ospital at mailapit sa publiko ang serbisyo medikal. Dinaluhan naman ng daan-daang barangay health workers at barangay service point officers ang inagurasyon ng Super Health Center.

Inaasahan na kabuuang 26 super health centers ang maipapatayo sa iba’t-ibang bayan ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments