𝗞𝗔𝗥𝗔𝗚𝗗𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗣𝗘𝗥 𝗙𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬 𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛 𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔

Kasado na ang pagpapatayo ng ikalawang Super Family Health Center sa Brgy. Malued, Dagupan City matapos magsagawa ng ocular inspection ang kawani ng Department of Health at City Engineering Office kahapon.

Ayon kay DOH Health Facility Enhancement Officer Dr. Kai Sibayan, mapapakinabangan ng mga residente rito at karatig barangay ang birthing clinic, laboratory at blood chemistry services, dental check-up at libreng konsultasyon sa konstruksyon ng Super Family Health Center.

Maliban sa barangay Malued Target na mabenipisyuhan ang mga barangay ng Pogo Chico, Lasip Chico, Pogo Grande at Lucao.

Matatandaan na nauna nang pinasinayaan ngayong taon ang kauna-unahang super family health center sa Brgy. Bolosan na fully-operational para sa mga residente ng eastern barangays. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments