𝗞𝗔𝗥𝗔𝗚𝗗𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗣𝗘𝗥 𝗙𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬 𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛 𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥, 𝗜𝗧𝗔𝗧𝗔𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Nakatakdang itayo ang karagdagang Super Family Health Center sa Brgy. Malued sa Dagupan City matapos tanggapin ng mga informal settlers sa lupang pagtatayuan nito ang financial Assistance.

Nasa pitong pamilya ang nabigyan ng 20,000 na financial assistance at family food packs sa lugar. Sa naturang pasilidad magkakaroon ng medical consultation, dental services, laboratory services, ECG, pharmacy (free medicines), prenatal check-up, immunization, family planning at Philhealth E-Konsulta.

Hindi lamang ang mga residente ng brgy. Malued ang makikinabang nito maging ang mga residente mula sa Lasip Chico, Pogo Grande, at Lucao.

Ito na ang ikalawang SFHC sa lungsod na mula sa Department of Health. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments