𝗞𝗔𝗥𝗔𝗚𝗗𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝟭,𝟬𝟬𝟬 𝗟𝗜𝗖𝗘𝗡𝗦𝗘 𝗖𝗔𝗥𝗗, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗟𝗧𝗢 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡

CAUAYAN CITY – Natanggap na ng Land Transportation Office (LTO) Cauayan Extension Office ang karagdagang isang libong license cards.

Sa naging panamayan ng IFM News Team kay Mrs. Rosalia Quiros, Contact of Service ng LTO – Cauayan, sa kasalukuyan ay mayroon na silang 1, 183 na cards kabilang na dito ang naidagdag na isang libo.

Dagdag pa nito, nakapag-issue sila ng 146 na lisensya nito lamang ika-21 ng Agosto kabilang na dito ang mga duplicated license, renewed license, at new licensed.


Samantala, bumaba sa 3, 935 ang backlogs ng naturang ahensya mula sa 12,000 backlogs nitong mga nakalipas na buwan.

Facebook Comments