𝗞𝗔𝗥𝗚𝗔𝗗𝗢𝗥 𝗦𝗔 𝗨𝗥𝗗𝗔𝗡𝗘𝗧𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Nahaharap na sa kaukulang kaso ang isang trenta’y dos anyos na kargador matapos itong mahuli sa ikinasang buy bust operation sa Urdaneta City.

Ang suspek ay nakilalang si Marvin Alvarez, residente ng Brgy. Poblacion sa nasabing lungsod.

Ikinasa ang buy bust operation laban sa suspek pasado alas kwatro ng hapon na nagresulta sa pagkakakumpiska dito ng apat na sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng limang gramo at nagkakahalaga ng mahigit tatlumpung libong piso.

Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments