𝗞𝗔𝗥𝗡𝗘 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗕𝗢𝗬 𝗔𝗧 𝗕𝗔𝗞𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢

Walang nakikitang pagtaas sa farm gate price sa karne ng baboy at baka sa Pangasinan.
Ito ay kasunod ng pagtaas ng presyo ng manok sa sampung piso kada kilo dahil sa mababang suplay.
Sa ngayon, nagkakahalaga ng 350 pesos kada kilo ang presyo ng baboy habang ang karne ng baka ay nasa 400 pesos kada kilo.

Mataas umano ang suplay ng mga ito kayat inaasahan na walang paggalaw sa presyo sa merkado sa mga susunod na linggo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments