Tinalakay sa naganap na pagpupulong tungkol sa kasalukuyang estado ng bakunahan sa lalawigan ng Pangasinan kaagapay ang DOH, UNICEF, Relief International at 20 piling lokal na pamahalaan sa ilang bayan sa lalawigan.
Pinangunahan ng regional coordinators, unit head at health team leaders mula sa iba’t-ibang sangay ng kagawaran ng kalusugan, ay nasa halos 200 naman ang nakilahok sa naturang aktibidad.
Ilan sa mga napag-usapan ay patungkol sa mga kakulangan at hamon sa immunization katulad ng inaccessibility of services, insufficient budget allocation, inadequate human resource at misinformation at lack of awareness.
Mula sa situational analysis sa mga komunidad ay nagkaroon din ng talakayan sa immunizations micro plans para sa ikalawa hanggang ika-apat na quarter ng 2024 upang maging bukas sa lahat ang serbisyong medikal, matunton ang mga bata na wala pa ni isang bakuna at maabot ang target na 95% fully immunized children sa Ilocos Region.
Kaisa ang mga nabanggit na organisasyon at tanggapan, patuloy na pinaiigting ang hangarin na maabot ang layunin ng bakuna at maiwasan ang vaccine preventable deaths sa Ilocos Region. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨