𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗩𝗜𝗗-𝟭𝟵 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗕𝗔

Patuloy na tinututukan ng lokal na pamahalaan ng Dagupan City ang kaso ng COVID-19 sa lungsod sa kabila ng naitalang pagbaba nito.

Ayon sa datos ng City Health Office, kumpara noong buwan ng Mayo na umabot sa apatnapu’t-tatlo ang naitalang positibo sa COVID-19, ngayong buwan naman ng Hunyo hanggang nito lamang June 20, bumaba ito sa labing-apat (14) na kaso lamang.

Base pa sa datos ng tanggapan, pawang mild COVID-19 lamang ang naranasan ng mga pasyente at nangailangan lang ng isolation.

Samantala, bumaba rin ang naitalang kaso ng COVID-19 sa buong Region I nitong nagdaang linggo na nasa pitumpo (70) lamang kumpara noong June 9 to 15 na nasa higit isang daan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments